Nakakatawa kung iisipin, akala ko well-experienced na ko sa mga ganitong bagay.. Hindi pa pala. Hinayaan ko kasing puso ang magpatakbo kaysa utak… hinde na gumana ang mind over matter na principle ko.. :)
Sa totoo lang, naiintindihan ko ang setup na gusto mong mangyari, ayaw ko lang isipin kasi hinde ganun ang pagtingin ko sayo, tunay na pagmamahal at nirerespeto kita ng husto kaya ayaw tanggapin ng utak ko. Parang ganito ang pagkakaintindi kong gusto mo “Friend with benefits”. Mahirap na desisyon to, maraming pros and cons, hinde ring maaring masabing tama at hindi ring maaring sabihing mali. Maaring magwork, depende kung paano ang agreement ng both parties. Dapat klaro sa simulat simula pa lamang at honest sa nararamdaman. Kung magkaroon ng kahit konting dishonesty, e.g. lihim na umiibig ang isa sa kanyang kapartner, maaring ikasira ang napagkasunduan. At kung tipong possesive ka at ayaw mong may kasamang iba ang kapartner mo, masasaktan ka lang dahil sa kahit saang angulo mong tignan luging lugi ka. Kaya wag na lang subukan kung ganito ang isa. But thinking on the brighter side, though very rarely, possible na magkaroon ng mutual romantic feelings ang dalawa, at pag nangyari ito, magiging ideal relationship built on a strong foundation of friendship and understanding. (and they live happily ever after) :)
Siguro sa pagiging klaro tayo nagkulang, hindi tayo naging klaro kung ano ba talaga ang gusto nating mangyari. Totally different perspective kasi ang gusto nating mangyari. Serious relationship ang binibigay ko, Inayos ko ang sarili ko mula sa pagiging magulo at siraulong lalaki na naglalaro ng mga damdamin ng mga babae dahil sa buong akala ko ito ang hinahanap mo, someone who would protect you, someone who would care for you, someone you can lean on to, someone who would help you to stand from being so much down and someone who would really love you. Ginawa ko ang lahat para mapatunayan kong kaya ko tong ibigay sayo, Nilunon ko ang pride na meron ako para sayo, na hindi ko ginawa kahit kaninong babae. And I really do believe I’ve done enough to prove it to you.
At ikaw naman, totally nung simula, nilinaw mo rin na ayaw mo ng commitment, kaibigan lang talaga, dahil sa reason mong hinde ka pa ready, which is true. Pero yun nga, hinde ko rin naman tinanggap. Tinuloy natin na meron akong dinadalang hope na mababago ko ang isip mo.
Marami tayong pinagdaanan, away bati, away bati.. kasi wala satin ang nagggive in kung ano talaga ang susundin nating setup. So nagpatuloy tayo na bitbit ang mga idea nating dalawa na totally magkaiba, kaya tayo hinde nagkakasundo. Umaasa pa rin ako na magiging tayo, at ikaw umaasa na matatanggap ko ang sitwasyon natin. Dito tayo nagkaproblema, tinuloy natin ng hinde natin nalilinaw kung ano ba talaga.. Ang hirap kasi gumalaw eh, hinde malaman kung saan lulugar. At ang nagpagulo pa ng husto, ikaw na mismo ang nagcross sa boundary ng setup na gusto mong mangyari, sinabi mong mahal mo ko at ayaw mo kong mawala. Naviolate mo ang rules, kaya lalo akong umasa, ang pagkakaintindi ko, malapit na kitang mapasunod sa setup na gusto kong mangyari. Ang buong akala ko ang reason kaya hinde mo maibigay ang gusto ko ay dahil sa pag alis ko papuntang US. Kaya gumagawa ako ng paraan para madelay ito.
Hanggang sa ikaw naman na ang nagalit, nakulitan at nairita sakin. Labag man sa loob ko, ako na ang napasunod mo sa setup na gusto mong mangyari. Ang pinanghahawakan ko na lang ay ang mga salita mong “Mahal mo ako” at “Ayaw mo kong mawala” kaya pa rin ako laging asa tabi mo. Pero ngayon parang hinde na ako naniniwala, sinabi mo lang yun para maplease mo ko at magstay. Pasensya pero parang ganun ang pumapasok sa isip ko ngayon. At naramdaman ko ring hindi ka naging proud sakin.
Tinanggap ko na ang sitwasyon natin na hanggang dun lang ako at talagang hinde mo pa kayang gawin kahit na maliliit na bagay para saken. Kaya nilagyan ko na ng gap ang nararamdaman ko para sayo, para hinde mo ko masaktan ng husto. At alam kong napansin mo to, sinabihan mong parang wala akong gana makipagusap sa telepono. At naramdaman ko ring naglagay ka rin ng konting gap sa atin, hinde mo na hinahawakan ang kamay ko tulad ng dati, with matching sway sway. hahawakan ko kamay mo, pero iiwas mo at sa braso ko na lang ikaw hahawak. Pag nagddrive ako, dati rati isang braso lang ang gamit ko sa manibela, dahil sa akap akap mo ang isa ko pang braso, pero nung time na yun, dalawang braso na ang gamit ko sa pagddrive. Naalarma ako, baka lumalayo na ang damdamin mo saken, kaya sinuyo kita, at naging maayos naman tayo. At dahil dito, nawala ang gap na nilagay ko. :( Dito ako nagkamali…. Dahil sa nawala ang gap, umasa na naman ako, nagdemand na naman, hinde sa pagmamahal, kundi sa attention, na sa kahit sa text man lang maibigay mo… “i love you” na word na hinahanap ko… at ang paramdam naman kung asan ka na at kung ano ang ginagawa mo.
Nagulat ako, nung sinabe mong “konting luwag naman”… Hindi ko naisip na ganun pala kahirap sayo ang magtext sakin.. nasasakal ka sa konting demand ko sayo. Ikaw na mismo ang nagsabi na simple lang yun, pero nagagalit na ko… Yun nga ang point, simple lang pero hinde mo magawa… Ni minsan, hinde kita pinaghigpitan. Kaya hindi ko matatanggap ang sinabe mong yan sakin. At tinanong kita kung sigurado ka pa bang gusto mo pa kong asa tabi mo… Nagpapasalamat na rin ako sa honest answer mo.. “di ko alam”
Maraming salamat dun at sa wakas natauhan na ko… Nagising na ko sa panaginip na pinapatakbo ng puso ko..Hindi ko inintindi kung ano talaga ang gusto mong ipaintindi.. Akala ko ikaw ang magulo, ako lang pala ang hindi marunong umintindi…Masyadong nabalot ng puso ko ang utak ko, at hinde umandar ang pagiging practical ko.
Pero gusto kong malaman mo na hinde ko pinagsisisihan to. Nagpapasalamat ako sa pagdating mo sa buhay ko. Ikaw lang ang nakapagpasaya sakin ng ganito. Huwag mong isipin na galit ako, dahil sa hindi… hindi talaga…kahit inis wala…. Huwag ka ding magsorry dahil sa alam kong hindi mo sinasadya, ako ang nagdesisyon na tumuloy pa rin kahit alam ko na hanggang dito lang ako… kasama talaga sa pagmamahal ang masaktan.
Hindi lang talaga naging klaro kung ano ba talaga ang gusto natin, Maraming factors ang nakapagpagulo kaya hinde tayo nagkakaintindihan.. And the result.. we ended up like this…
Lesson learned..
1 year ago
•
0 notes