October 23, 2008

ang paglalakbay

andami na namang nangyari, nung nakaraang sabado(oktubre 18, 2008) lang ang saya saya nating naglalakad ng magkahawak kamay sa mala paraisong lugar… lugar kung saan ko gustong huminto ang oras at huminto ang aking paglalakbay.. ikaw na kasama ko sa aking tabi.. at nagpapahinga sa aking balikat…walang halong pagbibiro, at walang halong pagkukunyari.. inosenteng mukha na kay sarap alalahanin..

subalit ngayon, ano ang nangyari at biglang natabunan ng kalungkutan ang lahat lahat… ang sabi mo, mahal mo ako at nararamdaman ko naman iyon subalit hinde ko nakikitang ipinaglalaban mo ito dahil sa natatakot ka pa… dahilan na nagpapabuo sa aking isipan na hinde ako worth the risk para sayo.. ang sabi mo nasasaktan ka tuwing nasasaktan ako, at ang sabi ko naman nasasaktan naman ako tuwing nasasaktan ka. paikot ikot na parang walang katapusan.. hinde ko na kayang nakikita kang nagkakanyan.. hinde nakakatulog at umiiyak ng magdamag.. alam kong pagod ka ng umiyak… at pagod na rin akong pinapanood kang lumuluha…

aalis ako upang maglakbay muli.. malayo dito.. malayo sayo… gusto ko munang hanapin ang sarili ko… mapagisa… sumagap ng sariwang hangin.. makapagisip isip at makapagpahinga..unti unting tatanggapin ang lahat… sana sa pagbalik ko, maiayos na lahat.. lahat lahat.. maibalik ang dating ako, at maibalik ang ngiti sa ating mga mukha..

/*** deleted some part ****/